Wednesday, 24 August 2011

NAURONG


EXTENDED BY POPULAR DEMAND.


*kala ko sa sinehan lang nangyayari sa call center din pala

Saturday, 13 August 2011

3 buwan



Wow ilang buwan ko din hindi namasdan ang blog ko. Tatlong buwan ang nakalipas at ang dami ng nangyari.

Mayo – at umulan ng calls. Umulan ng OT mula sa lupalop ng walang hanggan. Napromote sa pagiging pure skilled na ahente. Na stress sa bigat ng trabaho at higit sa lahat araw-araw na tardy.


Hunyo- at umuulan pa rin ng calls kasabay ng maraming ulan at bagyo bilang bati sa patapos na tagtuyot. Umuulan pa rin ng OT ngunit natuto na akong umayaw paminsan-minsan. Nademote at naging multi-skilled ulit na ahente. Mas lalong na stress sa bigat ng trabaho at higit sa lahat consistent sa pagiging late.


Hulyo- at kailangan magdesisyon. Ipagpapatuloy ko ba ang ganitong buhay? Hanggang kailan ako magpapayong sa ulan ng mga tawag? Kailan ako uuwi sa tamang oras ng uwian? Mapropromote ba ako? Hanggang kailan ko makakaya ang stress. At higit sa lahat kailan ako papasok ng hindi late.

Hulyo, at nagdesisyon akong magbago ng daang tatahakin. Hulyo, at tatlong beses akong natanong kung magbabago pa aking desisyon. Hulyo, at napromote ako sa kakaiba at kakastress na responsibilidad.

Minsan naisip ko- “Aalis ka na, inuutakan ka pa.”

Pero gusto kong isipin- “Aalis ako, panghinayangan niyo ako.”

Agosto- at tumila na ang mga calls. Pero andun pa rin ang kunting ambon ng mga OT request (na hindi nababayaran). Ganun pa rin ang trabaho at medyo payapa na. Paminsan-minsan nakakastress pa rin. At wala pa rin pagbabago ng mga late ko.

Hindi ako ngresign. Ngunit malapit na akong makaalis…. Saan? Hindi ko alam.
the time when it was not queueing

Ilang buwan ko rin hindi nabisita ang blog na to. Tatlong buwan ang nakalipas at marami na ang nangyari.  At susunod na mga buwan,  alam kong marami pa ang mangyayari.